Walang nakikita si Senate Committee on Public Order Chairperson Grace Poe na dapat itago sa nilalaman ng transcript ng ginawang nilang executive session noong iniimbestigahan ang Mamasapano incident.
Ayon kay Poe, sa tingin niya ay maaari naman itong ilabas pero dapat idaaan ito sa botohan dahil magkakaroon siya ng pananagutan kung siya lang ang magde-desisyon.
Ginawa ni Poe ang pahayag sa harap ng mungkahi ni Senador Antonio Trillanes na ilabas ang transcript dahil dito aniya makikita na ang may kasalanan sa nangyaring palpak na operasyon ay si dating Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) Chief General Getulio Napeñas.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)