Isang panalo na lamang ang kailangan ng defending champion na San Miguel Beer para makapasok sa championship game ng PBA.
Kasunod ito nang muling pagpapataob sa Rain or Shine sa Game 5 ng best of seven semi-final series sa final score na 103-94.
Gumawa ng 27 points ang back to back MVP na si Junemar Fajardo.
Sinabi ni SMB Head Coach Leo Austria na hindi pa sila lubusang masaya dahil kailangan pa nilang talunin sa susunod na laban ang Elasto Painters para makapasok sa finals.
By Judith Larino
*Photo Credit: PBA Media Bureau