Hindi magiging lame duck o wala nang silbi ang Pangulong Benigno Aquino III sa nalalabing 6 na buwan sa puwesto.
Ayon sa Pangulong Aquino, asahan na ng taumbayan ang higit pa niyang pagpupursige kasama ang buong administrasyon para mapaunlad ang bansa at sumulong ang buhay ng mga Pilipino.
Tiniyak ng Pangulo na gagawin niya ang lahat para maisabuhay ang diwa ng EDSA people power kung saan protektado ang bawat katapatan at walang Pilipinong naiiwan.
Kasabay nito, tiwala ang pangulo na sa darating na eleksyon ay pipili ang mamamayan ng kandidatong may integridad at nangingibabaw ang pagmamahal sa bansa kaysa sarili.
By Judith Larino