Iniimbestigahan na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nangyaring sunog sa barangay Quiot, Cebu City na tumupok sa may 150 kabahayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP-Cebu, nagsimula ang sunog alas-6:30 kagabi at idineklarang under control makalipas ang isang oras.
Tinatayang nasa isang milyong piso ang pinsala ng sunog.
Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa insidente.
By Meann Tanbio