Naihatid na sa huling hantungan sa Loyola Memorial Park sa Marikina City si Master Showman German ‘Kuya Germs’ Moreno.
Bumuhos ang pakikidalamhati ng pamilya at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz sa huling pamamaalam sa itinuturing nilang tatay-tatayan.
Ilang mang-aawit na malapit kay Kuya Germs ang naghandog ng awitin tulad nina Derrick Monasterio, Jonalyn Viray at Dulce.
Nagbalik-tanaw naman ang ilang artista at kaibigan ng Master Showman sa mga magagandang alala nito.
Nangako si Superstar Nora Aunor na itutuloy ang misyon ni Kuya Germs na tumulong sa mga kabataang nais pumasok sa showbiz.
Pinakawalan naman ang mga paru-paro, lobo at mga kalapati bilang bahagi ng ceremony of letting go sa tinaguriang ultimate showbiz builder.
By Judith Larino