Ipinag-utos naman ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na pag-aralan kung puwede ang P500 na dagdag sa pensyon ng SSS matapos ibasura ang P2,000 dagdag sa pensyon ng 2.15 milyong pensioners ng Social Security System (SSS).
Subalit pinapaberipika pa umano niya sa kanyang gabinete kung magkano ang maaari at dapat kitain ng SSS para mabawi ang magagastos sa P500 na dagdag sa pensyon ng mahigit 2 milyong kasalukuyang SSS pensioners.
Kaugnay nito, sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na may pag-asa pang madagdagan ang SSS pension pero hindi na P2,000 kundi mas mababa.
By Mariboy Ysibido