Nakiusap si Ciara Sotto sa publiko na intindihin siya sa pinagdadaanan sa kaniyang buhay may asawa.
Sa kaniyang post sa kaniyang Instagram account, inamin ni Ciara na naging mahirap para sa kaniya at anak ang mga nakalipas na linggo.
Ipinabatid din ni Ciara na bumalik siya sa bahay ng mga magulang na sina Senador Tito Sotto at Helen Gamboa at sa kabila nang pinagdadaanan, naniniwala ang aktres na makakakuha rin siya ng lakas sa tulong ng panginoong Diyos.
Sa ngayon aniya ay nais daw muna niyang maging pribado ang kaniyang pinagdadaanan kasabay nang pasasalamat sa mga nagpaabot ng suporta sa kanya.
Taong 2010 nang ikasal si Ciara sa kanyang longtime boyfriend na si Joe Oconer at noong isang taon lamang niya isinilang ang panganay nilang si Vincezo Xose.
By Judith Larino