Ang matinding traffic ang isa sa nakikitang dahilan kaya mainit ang ulo at nakakagawa ng hindi maganda ang ilan sa mga taxi drivers.
Ito ang paniwala ni Atty. Bong Suntay, Pangulo ng Philippine National Taxi Operators Association bunsod na rin ng mga sunod sunod na reklamo ng pananakit at masamang asal ng ilang taxi drivers.
Sinabi sa DWIZ ni Suntay na hindi maiwasang maging magaspang ang ilang tsuper dahil hindi makapaghanapbuhay ng maayos at bumaba ang kita bunsod na rin ng matinding probema sa kalsada.
“Malaki talaga ang nawala sa driver dahil sa traffic,” paliwanag ni Suntay
By: Aileen Taliping (patrol 23)