Abot kamay na umano ang ginhawa para sa mga pasahero ng Metro Rail Transit o MRT line 3.
Ito’y makaraang isailalim sa pagsusuri kahapon ang bagong bagon nito na binili mula sa China noong isang taon.
Pinangunahan ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya ang test drive gayundin ang pag-iinspeksyon sa mga bagong bagon ng tren mula Taft Avenue Station sa Pasay patungong North Avenue Station sa Quezon City.
Layon ng nasabing test run na malaman kung compatible ba ang tren sa riles ng MRT at upang makapagsagawa ng kaukulang adjustment para rito.
Sunod aniyang susubukan ang traction motions gayundin ang brake systems na itinakda sa susunod na buwan at inaasahan namang makukumpleto sa unang bahagi ng susunod na taon.
Aabot sa kabuuang 48 bagon ng tren para sa MRT ang binili ng DOTC sa China noong 2013 sa kumpanyang Dalian Locomotive and Rolling Stock.
By Jaymark Dagala