Sinimulan na ang mahigpit na pagpapatupad sa yellow bus lane sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay Chief Supt. Arnold Gunnacao, Hepe ng Highway Patrol Group (HPG), bawal gumamit ng yellow bus lane ang lahat ng mga sasakyang hindi naman bus.
Nilinaw ni Gunnacao na epektibo ang yellow bus lane sa kabuuan ng EDSA subalit bilang panimula ng paghihigpit ay tututukan muna nila ang southbound lane ng EDSA mula Shaw Boulevard hanggang Buendia kung saan nakapaglagay na sila ng mga barriers.
Naglagay naman anya sila ng ilang opening sa mga barriers kung saan puwedeng pumasok ang mga sasakyan kung kakanan sila galing ng EDSA.
Binalaan ni Gunnacao ang mga hindi susunod sa yellow bus lane na agad silang mabibigyan ng tiket kapag nahuli ng enforcers.
“Kung ang private vehicles ay pumasok sa bus lanes ay huhulihin, titiketan, kung ang bus naman ay lumabas sa bus lane ay huhulihin at titiketan din sila.” Pahayag ni Gunnacao.
By Len Aguirre | Ratsada Balita