Tiniyak ng pamunuan ng Department of Health (DOH) na hindi magiging balakid sa pagpapatupad ng reproductive health o RH Program ang pagkakatapyas ng isang bilyon sa pondo ng programa ngayong taon.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, maaaring gamitin nito ang halos P500 milyong piso na pondo para sa ibang health programs para sa implementasyon ng RH Law.
Matatandaang natanggal ang mahigit isang bilyong pisong pondo para sa RH Law at P86 na milyong piso na lamang ang sinasabing natira para sa reproductive health.
By Jelbert Perdez