Idinipensa ng Social Security Commission si Pangulong Benigno Aquino III sa ginawang pag-veto ng Punong Ehekutibo sa panukalang dagdag na P2,000 sa pensyon ng mga retiradong miyembro nito.
Paliwanag ni SSS Commissioner Michael Victor Alimurung, maliban sa mababangkarote ang SSS pagsapit ng 2027, maaapektuhan din ng naturang panukala ang iba pang benepisyong ibinibigay ng ahensya sa mga miyembro nito.
Dahil dito, nanindigan si Alimurung na dapat pag-aralang mabuti ang naturang SSS pension hike.
Inamin ni Alimurung na mababa ang nakukuhang pensyon ng mga miyembro nito na dahil naman aniya sa mababang kontribusyon.
Lugi
Aabot naman sa 26 na bilyong piso ang malulugi sa Social Security sa unang taon pa lamang sakaling dagdagan ng P2,000 ang pensyon ng mga SSS retirees.
Ayon kay Emilio de Quiros, Pangulo ng SSS, aabot na sa 2.11 milyon ang bilang ng mga magpepensyon sa SSS ngayong 2016.
Kung idadagdag aniya ang 2,000 dagdag sa kanilang pension mangangailangan sila ng P56 billion pesos para matugunan ang pension increase.
By Ralph Obina | Len Aguirre