Ikinabahala ni Vice President Jejomar Binay ang pagdami ng mga undocumented Overseas Filipino Workers (OFW’s).
Bunsod nito, hinikayat ni Binay ang pamahalaan na tutukan ang problema sa illegal recruitment.
Sinabi ng bise presidente na dapat malaman kung gaano karami ang mga undocumented OFW partikular sa Syria at Libya.
Ang mga nasabing undocumented OFW ay kadalasang nagmumula sa Zamboanga at dumadaan sa Malaysia.
Pwede rin anyang sa airport na mismo dumadaan at nagpapanggap na turista, kunwaring bibisita lamang sa Bangkok Thailand, saka pupunta ng Kuala Lumpur at doon aniya makikipag-usap sa mga illegal recruiter.
By Meann Tanbio | Allan Francisco