Muling inihayag ng grupong Confederation for the Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) na tutol ito sa itinutulak na Salary Standardization Law o SSL 4 para sa mga empleyado ng gobyerno.
Ito, ayon kay Courage National President Ferdinand Gaite, ay dahil napakaliit ng panukalang umento sa sahod para sa mga maliliit na kawani.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni Gaite na lalabas na mahigit P3,000 ang madaragdag sa sahod kada raw ng pangulo habang ang mga mabababa ang ranggo ay P20 lamang ang salary increase.
“Ibig sabihin parang nangyari, binarat mo na parang diyan ka na lang wala nang increase kasi hindi puwedeng mag-adjust during the implementation of the law, kaya ngayon pa lamang yang batas na yan ay tinututulan na namin kasi nga ipapako sa napakababang antas ng sahod at parang ginagawa sa mga manggagawa ay sahod alipin.” Ani Gaite.
“Ang problema nitong SSL 4 ay napakaliit nung increase para sa maliliit na kawani pero labis-labis naman para sa mga top official, sana ang ipatupad yung panawagan naming national minimum wage na P16,000.” Dagdag ni Gaite.
By Jelbert Perdez | Balitang Todong Lakas