Mahigpit ang pagpapatrolya ng militar sa bahagi ng Tawi-Tawi.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. General Restituto Padilla, ito’y matapos lumabas ang ulat na galing sa Pilipinas ang mga armas na ginamit sa pag-atake sa Jakarta, Indonesia noong nakarang linggo.
Sinabi ni Padilla na hindi malayong may idinadaang mga smuggled item sa karagatan ng bansa partikular na sa Tawi-Tawi.
Bukod sa routine patrols ng pamahalaan, mayroon din aniya silang joint border exercises sa pagitan ng Malaysia at Indonesia na taunang aktibidad para sa pagtitiyak ng seguridad ng mga border ng bansa.
Aminado ang AFP na hindi nila kayang bantayan nang magdamag ang borders ng bansa dahil sa napakalawak nito.
Pero, sinisiguro ng militar na mayroon silang ginagawang routinary patrols sa bahagi ng Southern Philippines na tinagurian ding backdoors ng bansa.
By Meann Tanbio