Pinalaya ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang may 270 sibilyan mula sa 400 binihag ng grupo nitong weekend sa Eastern City ng Deir Al-Zor.
Ayon sa Observatory for Human Rights, karamihan sa mga pinalayang bihag ay mga babae at bata.
Ito ay kasunod lamang ng ginawang pagdukot ng ISIS sa 50 kalalakihan kahapon.
Sinasabing ang mga natitirang bihag na lalake na sumusuporta sa gobyerno ng Syria ay pinapatay habang ang mga hindi naman ay isinasalang sa religious course base sa interpretasyon ng ISIS sa turo ng Islam.
By Ralph Obina