Inilabas na ng Senate Committee on Public Order ang listahan ng mga ipatatawag sa gagawing reinvestigation ng senado.
Kaugnay sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao na itinakda sa Enero 27.
Kabilang sa mga inimbitahang dumalo sa pagdinig sina Executive Secretary Pacquito Jojo Ochoa, Communications Secretary Herminio Coloma Jr., Defense Sec. Voltaire Gazmin, Administration bet Mar Roxas at dating SAF Commander Getulio Napeñas.
Ayon kay Senadora Grace Poe, Chairman ng komite, umaasa siyang dadalo ang mga nabanggit na opisyal para maliwanagan sa mga katanungang ibabato ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na siyang humirit ng panibagong pagdinig.
Napagkasunduan din ng mga senador na magbibigay ng sapat na oras para kay Enrile na makapagtanong sa mga resource persons na posibleng abutin ng hanggang dalawang oras.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)