Itinakda na ng dalawang kapulungan ng kongreso ang bicameral conference committee meeting sa Enero 27.
Ito’y para plantsahin na ng Kamara at Senado ang pagpapatibay sa panukalang Salary Standardization Law o SSL.
Ayon kay House Speaker Sonny Belmonte, kapwa batid ng mga mambabatas ang pangangailangan sa pagpasa ng SSL na nagtataas sa sahod ng mga opisyal at kawani ng gobyerno.
Bagama’t aprubado na ng senado ang sarili nitong bersyon kung saan saklaw ang mga retiradong pulis at sundalo, sinabi ni House Appropriations Committee Chair Isidro Ungab na pag-aaralan pa rin nila ito.
By Jaymark Dagala