Pinatatanggal sa puwesto sina Congressman Francisco Calalay at konsehal Roderick Paulate.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, napatunayang nagkasala sina Calalay at Paulate sa mga kasong falsification of official documents, serious dishonesty, at grave misconduct makaraang mag-hire ng 60 ghost employee noong 2010.
Dahil dito, sinabi ng Ombudsman na bukod sa pagkakasibak sa tungkulin, pinaparusahan din sina Calalay at Paulate ng perpetual disqualification from holding public office at pagkansela sa kanilang eligibility at mga retirement benefit.
By Avee Devierte | Jill Resontoc (Patrol 7)