Pinangangambahan na maapektuhan ang suplay ng sibuyas sa Ilocos Norte dahil sa pabago -bagong temperatura sa Ilocos Norte.
Ayon sa report, nasisira ang mga pananim na sibuyas sa bayan ng Pasuquin dahil sa sobrang lamig na temperatura sa madaling araw at sobrang init naman na panahon tuwing tanghali.
Dahil dito, apektado ng husto ang paglaki ng mga tanim na sibuyas.
Matatandaang Oktubre ng nakaraang taon nang salantain ng bagyong Lando ang Northern Luzon na ikinapinsala ng maraming taniman ng sibuyas.
By Ralph Obina