Tumaas ang public net satisfaction rating ng Aquino administration sa huling bahagi ng 2015 batay sa huling survey ng Social Weather Stations o SWS.
Sa naturang survey, lumalabas na umangat ng 2 percent o katumbas ng positive 39 ang satisfaction rating ng administrasyon mila sa positive 37 na iskor sa ikatlong quarter ng 2015.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Disyembre 5-8 ng nakaraang taon sa may 1,200 respondents kung saan marami pa rin ang kuntento sa pamamahala ng administrasyong Aquino.
Malacañang
Kaugnay nito, lalo pang magpupursige ang gobyerno para maitaguyod ang kapakanan ng mga mamamayan.
Ito ang inihayag ng Malacañang makaraang makakuha ng magandang satisfaction rating sa SWS survey ang Aquino administration sa huling buwan ng 2015.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, nagpapasalamat ito sa publiko sa pagkilala sa pagsisikap ng pamahalaan na maipatupad ang repormang kailangan para sa pagbabago.
Sa resulta ng survey, nakakuha ng positive 39 ang gobyerno para sa general performance ng aquIno administration kung saan positive 70 pataas ang pinakamataas na grado.
Subalit lagpak naman ang rating ng administrasyon sa paglutas sa kaso ng Maguindanao massacre.
By Ralph Obina | Jelbert Perdez | Aileen Taliping (Patrol 23)