Pumalo na sa 278 indibiduwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang inilatag na mahigit 3,000 COMELEC checkpoints sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng PNP, pinakamarami pa rin ang mga sibilyan sa bilang na 265, tatlong opisyal ng gobyerno, dalawang pulis, tatlo mula sa BJMP, dalawang security guard, isang miyembro ng Coast Guard at isang Cafgu.
Karamihan sa mga nasamsam sa mga checkpoint ay mga deadly weapons, mga replika ng baril, mga granada, at mga bala.
Ang mga naaresto ay posibleng maharap sa kasong paglabag sa omnibus election code at illegal possession of firearms.
By Jelbert Perdez | Jonathan Andal