Makikipagtulungan ang Malacañang sa muling imbestigasyon ng senado sa Mamasapano incident.
Ipinabatid ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na nagpaabot na sila ng kumpirmasyon ng pagdalo ng mga opisyal ng gobyerno sa imbitasyon ng senado.
Ayon kay Coloma, handang sumagot ang Palasyo sa lahat ng mga tanong na maaaring lumutang sa pagdinig sa ngalan ng transparency at public accountability.
Isa si Coloma sa mga palace officials na pinadadalo ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile sa Mamasapano reinvestigation.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)