Inihahanda na ng grupong Kalayaan Atin Ito, ang ikalawang biyahe nila sa Kalayaan Islands sa West Philippine Sea sa buwan ng Abril.
Sa pagkakataong ito, sinabi ni Joy Ban-Eg, Spokesperson ng grupo na , isang buwan silang mag-iikot sa lahat ng mga isla na inaangkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ang ikalawang biyahe ay itinakda ng Kalayaan Atin Ito Group makaraang magdala ng mga turista ang China sa mga nilikha nilang artificial islands sa West Philippine Sea.
Hinikayat ng Kalayaan Atin Ito Group ang lahat ng makabayang Pilipino na lumahok sa kanilang biyahe upang ipaglaban ang teritoryo ng bansa laban sa pang-aangkin ng China.
Nitong Disyembre, tinatayang 50 Pilipino na karamiha’y mga estudyante ang nagsagawa ng tatlong araw na boat trip sa PAGASA Island sa West Philippine Sea.
By Len Aguirre