Ikinalugod ng mga senador ang paniniyak ng Malacañang na dadalo lahat ng mga miyembro ng gabinete sa Mamasapano reinvestigation sa Enero 27.
Sinabi ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na inaasahan na niyang makikipag-cooperate ang Palasyo sa isasagawang imbestigasyon ng Senado sa naturang usapin.
Para naman kay Senador Francis ‘Chiz’ Escudero, kapuri-puri ang kahandaang dumalo sa pagdinig ng Senado ng mga cabinet members bagamat maaaring malagay sa alanganin ang mga ito.
Kabilang sa mga ipinatawag sa nasabing pagdinig sina Executive Secretary Pacquito Ochoa, Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, Defense Secretary Voltaire Gazmin at dating DILG Secretary Mar Roxas.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)