Hinamon ni Pope Francis ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na mas paigtingin pa ang pagpapakalat ng mensahe ng awa.
Binasa ni Papal Nuncio Archbishop Guiseppe Pinto ang liham ng Santo Papa sa pagbubukas ng ika-112 Plenary Assembly ng mga obispo sa Cebu City.
Ngayong Banal na Taon ng Awa, hinimok ng Santo Papa ang simbahan na mas palaganapin ang pagpapakalat ng mensahe ng pagmamahal ng Diyos at pagbibigay ng awa para patunayang buhay sa ating mga sarili ang Panginoon.
Ipinaabot ng Santo Papa ang mensahe nito sa mga obispo sa pamamagitan ng Secretary of State ng Vatican na si Cardinal Pietro Parolin.
By Ralph Obina