Muling magtatakda ng bagong schedule ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagsisimula nang printing ng mga balota.
Ginawa ni COMELEC Chairman Andres Bautista ang pahayag kasunod nang panawagan ng ilang senador na dapat antayin muna ng komisyon ang magiging desisyon ng Supreme Court sa disqualification case laban kay Senator Grace Poe.
Una nang itinakda ng COMELEC ang printing ng election ballots sa January 26 pero iniurong ito sa February 1.
Dahil sa meron pang nakabinbin na mga petisyon at panawagan, muling pinaaral ni Bautista sa COMELEC Steering Committee na magsumite sa susunod na linggo ng pinal na desisyon kung hanggang kailan maaaring ibitin ang paglilimbag sa mga balota na gagamitin sa May 9 general elections.
Kabado ang COMELEC na kapag na-delay pa ang printing ng mga balota ay maaaring maapektuhan din ang iba pang mga paghahanda kabilang na ang delivery at mga logistics na gagamitin sa halalan.
By Mariboy Ysibido