Iimbestigahan ng Land Transportation Office (LTO) ang umano’y paggamit ng mga pekeng congress protocol plates.
Ito ay matapos na maging viral sa social media ang larawan ng isang Toyota Camry na may plate no. 8 na may nakalagay na “16th Congress at “ 2016-2019 sa ibaba.
Ayon kay LTO Spokesperson Jason Salvador, peke ang nasabing plaka at kanilang aalamin kung sino ang nagmamay-ari nito.
Sinabi ni Salvador na patunay lamang ang larawan na talamak ang paggamit ng mga pekeng congress plate sa bansa.
Ayon sa motoring website na Top Gear Philippines, nakunan ito ng isang William Herrera sa P. Burgos Street sa Manila noong nakaraang Huwebes.
By Mariboy Ysibido