Asahan na ang panibagong rollback sa presyo ng oil products ngayong linggo.
Inaasahang maglalaro sa P1.00 hanggang P1.15 ang tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.
P.60 hanggang P0.70 naman ang posibleng rollback sa gasolina.
Mahigit P2.00 na ang ibinaba ng presyo ng diesel at mahigit P1.00sa gasolina sa nakalipas na 3 linggo.
Bunsod ito ng patuloy na pagbulusok ng oil price sa world market.
By: Drew Nacino