Tikom pa rin si Retired Chief Supt. Diosdado Valeroso kung sino ang 2 mataas na opisyal na nasa digital audio recording, matapos ang Mamasapano encounter sa Maguindanao, noong Enero ng isang taon.
Itinanggi rin ni Valeroso ang naging buod ng 15 hanggang 20 minutong pag-uusap at ano ang layunin ng pulong ng mga hindi pa pina-pangalanang opisyal.
Gayunman, isa anya sa mga opisyal ang nagsabi sa kanyang kapwa opisyal na huwag munang pansinin issue sa mamasapano dahil posible itong maging hadlang sa peace talks ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front.
Iginiit naman ng dating District Regional Director for Administration ng National Capital Region Police Office na “credible” ang source ng audio clip na kanyang natanggap sa pamamagitan ng e-mail.
Tiniyak ni Valeroso na isusumite niya sa senado at kamara sa Enero 27 ang pinaniniwalaang “critical evidence” kasabay ng re-investigation ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa Mamasapano encounter.
By: Drew Nacino