Tinatayang P6 Milyong halaga ng puslit na asukal ang nasabat ng Philippine Navy mula sa isang cargo Vessel sa Zamboanga City.
Ayon kay Rear Admiral Jorge Amba, Commander ng Naval Forces Western Mindanao, hatinggabi nang mamataan ng kanilang multipurpose assault craft sa pangunguna ni Navy Lt. Reynyleo Ballesteros ang M/L Alkawsar sa Barangay Recodo.
3 anyang motorbanca na kasama ng nasabing vessel ang kanilang naaktuhan na nagpulasan kaya’t nagsagawa sila ng board at search inspection na nagresulta sa pagkakadiskubre sa smuggled sugar.
Nagmula sa sandakan, sabah, malaysia ang M/L alkawsar lulan ang tinatayang 1,500 sako ng asukal at iba pang kargamento.
Agad naman itinurn-over ang kontrabando sa bureau of corrections para sa proper documentation at pagsasama ng kaso laban sa mga may-ari at pitong crew ng vessel.
By: Drew Nacino