Pinasinungalingan ng Pamilya Mañalac, ang akusasyon ng Komunistang Partisano, isang sangay ng New people’s Army na sangkot sa iligal na droga at pasugalan ang pinaslang na si Malabon Counilor Merlin “Tiger” Mañalac.
Giit ng pamilya, wala silang alam na may banta sa buhay si Konsehal Mañalac.
Ayon naman kay Malabon Police Chief Supt. Severino Abad, tinitignan nila ang anggulong pulitika sa krimen lalo na’t muling tatakbo sa halalan ang napatay na konsehal.
Naganap ang insedente kay Mañalac kahapon sa harap ng kanilang bahay sa Brgy. Tinajeros.
Nabatid na palabas na sa kanilang tahanan ang konsehal at patungo sana sa isang pagtitipon sa Barangay Acacia nang dumating ang dalawang suspek na armado ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ito.
Ilang mga testigo ang nagsabi sa pulisya na bukod sa dalawang salarin, may mga nagsilbi ring lookout ang mga suspek nang maganap ang pananambang.
By: Mark Gene Makalalad