Sumipa pa rin ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa pamilihan sa kabila ng malaking pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa Mega Q-Mart sa Quezon City halimbawa, naglalaro sa P2 hanggang P10 ang itinaas sa presyo ng ilang mga pangunahing bilihin.
Tulad na lamang ng mantika na mabibili sa halagang P980 hanggang P1000 pesos ang kada litro.
Dahil dito, tumaas ng P5 hanggang sa P10 ang kada takal ng mantika sa P65 hanggang P70 pesos mula sa dating P60 pesos.
Nasa P46 pesos na ngayon ang kada kilo ng asukal na pula mula sa dating P44 pesos habang ang segunda naman ay nasa P48 pesos na ang kada kilo mula sa dating P46 pesos.
Oil price rollback
Samantala, may aasahan namang magandang balita ang mga motorista ngayong linggo.
Ito’y dahil sa muling pagpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.
Ayon sa ilang source ng DWIZ sa industriya ng langis, P0.60 hanggang P0.70 ang posibleng itapyas sa kada litro ng gasoline.
Piso (P1.00) hanggang (P1.15) naman ang posibleng tapyas presyo sa presyo ng kerosene.
Ito na ang ika-apat na tapyas presyo na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis kung saan, P2.30 sentimos na ang kabuuang nabawas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Habang P1.05 naman ang kabuuang rollback sa presyo ng gasolina mula Enero 1 hanggang 23.
By Jaymark Dagala