Ginugunita ngayong araw ng sambayanang Pilipino ang ika-83 kaarawan ng yumaong dating Pangulong Corazon Aquino.
Ngunit kahapon pa lamang, nagtungo na si Pangulong Noynoy Aquino sa puntod ng kanyang mga magulang sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Kasama ng Pangulo ang kaniyang mga kapatid, bayaw at mga pamangkin kung saan, isang misa ang idinaos sa lugar.
Sa isang pahayag, binigyang diin ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. ang mahalagang papel na ginampanan ni Ginang Aquino sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa bansa.
Naluklok bilang pangulo si Ginang Aquino noong 1986 matapos ang isinagawang People Power nang mapatalsik ang noo’y diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)