Pinarerepaso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga lokal na opisyal ang pasahe sa tricycle sa kani-kanilang lugar.
Ito ayon sa LTFRB ay kaugnay sa posibilidad na magbaba na rin ng singil tulad ng jeep at taxi.
Umapela ang LTFRB sa local government units sa ngalan anito ng public service na i-review ang kasalukuyang singil sa pasahe sa mga tricycle lalo na’t patuloy naman ang pagbaba ng presyo ng gasolina.
By Judith Larino