Sinimulan na ngayon ang clearing operations sa Estados Unidos matapos ang mapaminsalang snowstorm na nanalasa doon.
Batay sa pinakahuling tala, (19) ang patay matapos malubog sa may 3 talampakang yelo ang limang estado sa Amerika.
Kabilang dito ang isang nanay kasama ang isang taong gulang na anak na nasawi dahil sa carbon monoxide poisoning.
Samantala, tinanggal na ang travel ban sa New York City matapos tumama ang ikalawang pinakamatinding snowfall sa kasaysayan ng kanilang siyudad.
By Ralph Obina
*Photo Credit: bbc.com/ Reuters