Nagpetisyon ang grupong 1-Utak sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para bawasan ang pasahe sa mga transport network vehicles gaya ng uber at grab taxi.
Kasunod pa rin ito ng sunod – sunod na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay 1-Utak Chairman Atty. Vigor Mendoza, mula sa dating P40.00 na base fare ay dapat na gawin na lamang itong P20.00.
Bukod dito ay ipinatatanggal na rin ng grupo ang paglalagay ng surge pricing.
By Rianne Briones