Ibinabala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang posibleng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayong taon.
Ayon sa BSP, tinatayang aabot sa 2.4 percent ang inflation rate ngayong taon.
Ipinaliwanag ng BSP na ito ay dahil sa epekto ng mga nanalasang bagyo noong nakaraang taon at patuloy na pag-iral ng El Niño phenomenon.
Kaugnay nito, plano ng Department of Trade and Industry (DTI) na pulungin ang mga producer-manufacturer upang pag-usapan ang mga posibleng pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
By Ralph Obina