Mahigit 2 linggo bago ang araw ng mga puso, nagsimula nang tumaas ang presyo ng bulaklak sa lungsod ng Baguio.
Ayon sa ulat, nahihirapang mamukadkad ang mga bulaklak partikular na ang mga rosas dahil sa nararanasang mababang kilima sa lungsod kayat nagmamahal na ang presyo nito.
Inaasahan namang lalo pang tataas ang presyo ng bulaklak pagsapit ng ng Pebrero 10-13 bago ang Valentine’s Day.
Sa ngayon, aabot na sa P130 pesos hanggang P150 pesos ang bawat bundle ng short stem rose habang nasa P150 hanggang P170 pesos ang kada bundle ng medium stem.
Ang long stem naman ay nasa P200 pesos ang kada bundle.
By Ralph Obina