(Updated)
Kasalukuyan nang nasa bansa ang Japanese Imperial couple na sina Emperor Akihito at Empress Michiko.
Ito’y para sa limang araw na state visit ng royal couple kaalinsabay ng paggunita sa ika-60 anibersaryo ng diplomatic ties ng Pilipinas at Japan.
Personal na sinalubong ni Pangulong Noynoy Aquino ang Japanese emperor sa Ages Aviation Center ng Villamor Airbase kasama ang ilang miyembro ng gabinete.
Kabilang din sa sumalubong si Japanese ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa at ang mga kawani ng Japanese Embassy sa Pilipinas.
Ngayong araw na ito inaasahang bibisita sa Malacañang ang imperial couple para sa ilang pagpupulong kasabay ang pagdalo sa isang state dinner na pangungunahan ng Pangulong Noynoy Aquino bilang pagpapakita ng mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa mga ito.
Magugunitang nakabisita na sa Pilpinas ang royal couple ng Japan na noo’y crowned price Akihito at Princess Michiko noong 1962 sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Diosdado Macapagal.
By Jaymark Dagala
*Photo Credit: gov.ph