Tinawag na sinungaling ni Senador Antonio Trillanes IV ang kampo ni Vice President Jejomar Binay.
Kahapon ang huling hearing ng Senate Blue Ribbon Sub Committee hinggil sa alegasyon ng katiwalian laban sa Pangalawang Pangulo.
Ang pahayag ay ginawa ni Trillanes makaraang maliitin ng kampo ng mga Binay ang nasabing imbestigasyon.
Naniniwala si Trillanes na makukulong si Binay pagkatapos ng termino nito sa June 30.
“Pero ito lang masasabi ko sainyo by June 30, 2016 makukulong po si Vice President Binay, puwede na siyang maisyuhan ng warrant of arrest, ako sinasabi ko po na I disagree with the position of the Ombudsman, puwede na siyang kasuhan sa ngayon pero dahil sa earlier position nila, gusto daw nilang tapusin ang termino ni Vice President Binay, so ganun po kabigat yung mga ebidensiya, maliwanag po yan kung paano napunta sa bulsa ng mga Binay ang pera ng Makati, nandun po yan, nai-produce namin ang ebidensya.” Pahayag ni Trillanes.
For real
Umaasa naman ang kampo ni Vice President Jejomar Binay na tapos na talaga ang pagdinig ng senado hinggil sa mga umano’y anomalyang ibinabato laban sa Pangalawang Pangulo.
Ayon kay Atty. Rico Quicho, tagapagsalita ni Binay, mas mainam na itigil na lamang ng ilang senador ang pagkaladkad sa pangalan ng Senado para sirain lamang ang kandidatura ng Bise Presidente sa darating na halalan sa Mayo.
Binanatan din ni Quicho ang Senado sa tila pagmamalabis ng mga ito sa kapangyarihan ngunit patuloy aniya nila itong lalabanan para manaig ang katotohanan.
Sa katunayan, sinabi ni Quicho na umuusad pa rin ang mga kasong kanilang isinampa laban sa mga nag-aakusa ng mali laban kay Binay.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita | Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)