Bigo ang senado na ma-override ang veto ng Pangulong Benigno Aquino III sa kontrobersyal na 2,000 dagdag pensyon sa SSS.
Nakakuha lamang ng 11 lagda mula sa mga senador upang ma-override ang veto ng Pangulo sa naturang batas.
Posible umanong nahihiya ang mga mambabatas na kontrahin ang naging desisyon ng Pangulo.
Bagama’t sa Kamara dapat magmula ang pag-override sa veto ay kinakailangan pa ring makakalap ng 16 na lagda para dito.
By Rianne Briones