Mananatili ang express lane fund o ELF na una nang napaulat na tatanggalin dahilan kaya nagbanta ng resignation ang ilan sa mga kawani ng Bureau of Immigration (BI).
Mismong ang Malacañang ang nagkumpirma na hindi na ito tatanggalin, subalit isasailalim na lamang ito sa special audit upang matiyak na sa mga empleyado napupunta ang benepisyo.
Matatandaang ipinatupad ang express lane fund noong panahon ni Immigration Commissioner ngayo’y Senador Miriam Defensor-Santiago upang makalikom ng sapat na pondo at mabayaran ang mga kawani na nag-oovertime sa paliparan.
By Meann Tanbio | Raoul Esperas (Patrol 45)