Asahan pa ang mas malamig na panahon sa mga susunod na araw.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ito ay dahil sa patuloy na pag-ihip ng hanging amihan sa hilagang silangan ng bansa.
Sa Baguio City, bumagsak ang temperatura sa 10.8 degrees celsius kaninang umaga.
Ito na ang pinakamalamig na temperaturang naitala magmula nang umiral ang amihan noong Oktubre.
By Ralph Obina