Aprubado na ang cloud seeding operations sa Negros Occidental matapos pumalo sa P163.3 million pesos ang halaga ng pinsalang dulot ng tagtuyot sa mga pananim gaya ng mga tubuhan.
Tinaya ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa P3.7 million pesos ang gagastusin sa clouding seeding operations na pangungunahan ng Philippine Airforce sa loob ng 60 flying hours.
Base sa datos ng SRA, nasa 7,500 ektarya na ng tubuhan ang apektado ng tagtuyot sa lalawigan.
Umabot naman sa mahigit 2 milyong piso ang halaga ng pagkalugi ng mga livestock at poultry breeder.
By Drew Nacino