Ipinag-utos na ni US President Barack Obama na bilisan ang pag-aksiyon sa kumakalat na zika virus na dahilan ng birth defects sa Brazil.
Hinimok ni Obama ang mga dalubhasa na magkaroon ng mas magandang diagnostic tests at ang pag-develop ng vaccines at gamot laban sa virus.
Base sa statement na inilabas ng White House, pinulong na ni Obama ang mga top science experts ng US Government kabilang na ang US Centers for Disease Control and Prevention, Health and Human Services at National Institutes of Health.
Kasunod ito ng pahayag ng World Health Organization na posibleng kumalat ang virus sa buong America.
Sa ngayon, wala pang natutuklasang vaccine o gamot para sa zika virus.
Aabot na rin sa 4,000 ang kaso ng mga sanggol na ipinapanganak na may mas maliit na ulo kaysa sa normal na bata.
By Mariboy Ysibido