Idiniin ng Malacañang si dating PNP Special Action Force Director Getulio Napeñas sa masaklap na sinapit ng SAF 44 sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na lumitaw sa Mamasapano reinvestigation ng Senado kahapon ang pagiging iresponsable ni Napeñas dahil sa kabiguang makipag-ugnayan sa AFP.
Inakusahan din ng Palasyo si Napeñas na ibinilad ni Napeñas ang kanyang mga tauhan sa panganib at kapahamakan na nagresulta sa malagim na kamatayan ng mga ito.
Kasama si Coloma sa mga opisyal ng gabinete na inimbitahan ng komiteng pinamumunuan ni Senador Grace poe para dumalo sa naturang hearing.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)