Lumago ng 5.8 percent ang ekonomiya ng bansa nitong 2015.
Ayon kay Socio Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, ito ay makaraang masungkit ng bansa ang 6.3 percent na pag-angat ng ekonomiya sa huling quarter ng 2015.
Sinabi ni Balisacan na ito ang pinakamataas na quarterly growth noong nakaraang taon.
Sa kabila nito, bigo ang gobyerno na maabot ang pito hanggang walong porsyentong gross domestic product noong 2015.
Ipinaliwanag ni Balisacan na kinapos kasi ang pamahalaan sa target na 6.9 percent na GDP sa fourth quarter ng 2015 upang makuha ang 7 hanggang 8 porsyentong paglago ng ekonomiya.
LISTEN: Bahagi ng pahayag ni Secretary Arsenio Balisacan
By Ralph Obina