Bumaba ang bilang ng mga batang nakiisa sa deworming activity ng Department of Health (DOH) partikular sa bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Western Mindanao DOH Division Chief Dr. Maria Mabolo, marami pa ring magulang ang natatakot sa nangyari noong nakaraang taon kung saan higit 6,000 mga estudyante ang isinugod sa ospital matapos na uminom ng anthelmintic pills o pampurga.
Sinisisi ang text scare na may batang naisugod sa ospital dahil sa pag-inom ng pampurga na nagbunsod sa pag-alala ng ibang mga magulang at dalhin rin nila sa pagamutan ang kanilang mga anak.
Sa isang paaralan sa lugar, mula sa higit 6,000 mga estudyante sa grade one tanging 1,000 lamang ang pinayagan na makiisa ng kanilang mga magulang.
By Rianne Briones