Siyamnapung (90) porsyento ng mga guro na magsisilbing Board of Election Inspector (BEI) sa halalan sa Mayo 9 ay certified nang humawak ng mga PCOS machines.
Ayon kay DOST Secretary Mario Montejo, ang mga nabanggit na guro ay pawang mga na-ideploy na sa mga nagdaang automated elections noong 2010 at 2013.
Habang ang nananatiling 10 porsyento ng mga guro ay isasailalim pa sa training sa paggamit ng PCOS mula March 1 hanggang 26.
Sinabi ni Montejo na mag-iisyu sila ng certificate sa mga guro pagkatapos ng training.
By Meann Tanbio